Sigurado, Kahit Di Mo Alam
Minsan, may mga taong dumarating sa buhay natin nang tahimik lang. Walang malalaking moment, walang grand gesture — pero bigla na lang, sila na ‘yung dahilan kung bakit mas gumagaan ang bawat araw. Hindi ko rin alam kung bakit gano’n, pero siguro nga, may mga tao talagang sadyang tatatak kahit hindi mo naman inaasahan. sa’yo lang ako sigurado, kahit di mo alam. hindi ko rin alam kung bakit ikaw, pero sa tuwing naiisip kita, parang nagiging malinaw lahat— yung mga bagay na dati ay puro tanong lang . ikaw lang ang tanging kasiguraduhan sa gitna ng mga bagay na laging nagbabago. ikaw ang nag-iisang tiyak sa isang libong duda. at kahit di tayo madalas mag-usap, kahit simpleng “hi” nga minsan ay wala, nararamdaman kong sapat na na andiyan ka lang. hindi ko alam kung may pag-asa, o kun o g mapapansin mo ba ‘to kahit kailan, pero gusto kong malaman mo— ikaw ang inspirasyon ko sa mga araw na nakakalimutan kong ngumiti. sa mga gabing pagod ako, ikaw ang pahinga kong iniisip. sana dumat...