Sigurado, Kahit Di Mo Alam
Minsan, may mga taong dumarating sa buhay natin nang tahimik lang. Walang malalaking moment, walang grand gesture — pero bigla na lang, sila na ‘yung dahilan kung bakit mas gumagaan ang bawat araw. Hindi ko rin alam kung bakit gano’n, pero siguro nga, may mga tao talagang sadyang tatatak kahit hindi mo naman inaasahan.
sa’yo lang ako sigurado, kahit di mo alam. hindi ko rin alam kung bakit ikaw, pero sa tuwing naiisip kita, parang nagiging malinaw lahat— yung mga bagay na dati ay puro tanong lang.
ikaw lang ang tanging kasiguraduhan
sa gitna ng mga bagay na laging nagbabago.
ikaw ang nag-iisang tiyak sa isang libong duda. at kahit di tayo madalas mag-usap, kahit simpleng “hi” nga minsan ay wala, nararamdaman kong sapat na na andiyan ka lang.
hindi ko alam kung may pag-asa, o kun o g mapapansin mo ba ‘to kahit kailan,
pero gusto kong malaman mo— ikaw ang inspirasyon ko sa mga araw na nakakalimutan kong ngumiti. sa mga gabing pagod ako, ikaw ang pahinga kong iniisip.
sana dumating ang araw na malaman mo kung gaano ka kahalaga, kung gaano kita hinahangaan nang tahimik, at kung gaano ako kasigurado sa’yo, kahit walang kasiguraduhan kung kailan mo ‘to malalaman.
yung mensahe kong binigay, di man perpekto, pero bawat salita, may kasamang totoong damdamin. walang halong drama, walang dagdag o bawas— sinulat ko lang kung ano talaga ‘yung totoo.
at kung sakaling hindi mo man ‘to maramdaman, ayokong magsisi— dahil minsan sa buhay ko, naging sigurado ako sa isang katulad mo.
Hindi ko alam kung mababasa mo ‘to, o kung mapapansin mo man, pero sapat na sa’kin na naipahayag ko. Kasi minsan, hindi naman kailangang marinig ng tao para maging totoo ang nararamdaman mo. Minsan, sapat na ‘yung alam mong totoo sa puso mo — kahit hindi sa kanya.
Written by someone who chose to stay silent, but never unsure of what she felt.
Writ
Comments
Post a Comment